Ganito ba talaga to? ang sinasabi nilang PAG-IBIG?
na nagpapasaya daw at nagpapakompleto din sa isang tao?
ngunit bakit may nasasaktan?
may umaasa at naghihintay ng wala namang patutunguhan??
hindi man nila ginusto..
pilit man nilang iniintindi at inuunawa
ngunit patuloy parin silang nahihirapan dahil sa PAG-IBIG na sinasabi nila...
Ako aminin ko..
May naging bf na'ko...
gwapo siya..tangkad din =D
di ko akalain...
dati napaisip ako kung ano nakita niya sa'kin...
Una.. masaya... exciting xD
lagi kaming magkatxt...
lagi akong nag aabang ng tawag niya..
masaya ako pag kasama ko siya..
sarap nung feeling ng nagmamahal..tama sila... :))
masarap din yong feeling na may nag aaylabyu sau...
nag gogoodnight...yon bang nagkecare siya sayo.. ^^,
yong feeling na kung san ka kasama mo siya... -.-
na nagkakaaway man nagkakabati din kaagad...
Akala ko nga di na matatapos ehh... confident ako..
ngunit dumating yong araw na biglang sabi niya..
"bigyan mo muna ko ng space!.."
di ko naman pinansin... ganun kasi siya ehh..
sabi ko lang.. "sus drama..:)"
Dumaan ang dalawang araw na di siya nagttxt...
"baka busy.." sabi ko lang... pero dahil di ko siya matiis..
nagtxt ako... "uiy! miss you mahal.. ILY!"
ilang minuto nakalipas.. may reply...
"kumusta?'
nalungkot naman ako...
"ganyan ka.. di mo ko namiss.." reply ko..
"may iniisip lang ako.."sabi niya...
eh di tinawagan ko... tinanung ko kung ano problema niya..
Sabi niya naguguluhan daw siya samin...
bat naman siya naguguluhan eh okey naman kme... may ngawa ba kong mali?
pilit ko mang isipin.... di ko talga alam...
ilang araw na nakalipas di pa rin siya nagttxt..
Hanggang sa nalaman ko sila na pala ng babaeng matagal na niyang gusto...
aw....ang sakit! T.T
bat ganun??di ko siya maintindihan.. pinaasa niya lang ako...
iniwan niya ko na di ko lam kong ano dahilan...
gusto ko siya ipaglaban..
ngunit pano?? iniwan na nga niya ko dba? super sakit talaga...
Pero okey lang.. sabi ko kako... pipilitin ko na lang na kalimutan siya..
halos isang taon din akong hindi nakamove on...
hanggang ngayon din ata..
naghihintay ng paliwanag..tanggap ko na namn...
yon nga lang.. medyo BITTER parin.. :(
Pag naiisip ko siya... minsan nasasabi ko din na sana bigyan niya ulit ako ng isa pang pagkakataon..
(kaya dat's d reason kung bakit ito ang music background) hhe
Buti nalang anjan yong kaclose kong kaklase..
di namn siya gaanung kagwapohan...
pero ang cute niya para sakin...
Magaling din siya.. in some other way =)
araw-araw kaming magkasama...
nagbibiruan...nagkukulitan..
napapasaya nga namin yong barkada sa aming simpleng harutan eh.. xDD
minsan naiinis siya sa'kin..haha okey lang yon.. pakialam ko...
hanggang sa dumating na yong punto na parang nahuhulog na ko sa kanya...
ngunit pano gagawin ko??..
alam ko kasi taken siya...
ganun ba talga kapalaran ko? FOREVER ALONE!?
di ko na nga maisip na magkakabf ako ulit..tsk hhe ganun talaga..
ako na lang laging talo.. T.T
pero sabi nga ng idol ko... wag lang daw akong mapagod maghintay kasi may nilaan daw na tamang tao ang Diyos para sakin..
kung kelan man yon.. handa akong maghintay.. :))
yan yong mga pictures ko... nung ng eemo ako..tss