ang buhay ay panandaliang bagay na hiram natin sa Diyos kaya dapat natin itong pangalagaan..
gawin natin itong makabuluhan,gawin natin ang narararapat upang hindi tayo magsisi sa bandang huli...
ika nga.. life is too short to be wasted...
Nakakalungkot lang.. kasi yung bumungad sakin kanina ay yong tungkol kay Aj Perez...
isa sa hinahangaan ko pa naman sa industriya...sayang talaga...
Nalulungkot ako pag may nawawalan ng mga mahal sa buhay kasi alam ko kung ano yong pakiramdam na yon..
bat kaya ganun?? ang mga mababait kinukuha agad??tutuo kaya yon?? o sadyang parte lang talaga ito ng plano ng Diyos??
naalala ko tuloy papa ko... ang sobrang bait kong papa...
close kami non..parang barkada't kapatid lang turingan namin..
kaya mahal na mahal talaga naming magkakapatid papa namin...
kapag pinagalitan kami ni mama..hindi niya kami pinapabayaan...
pinagtatanggol niya kami kay mama lalo na pag pinapalo kami...
hina-hug niya kami para hindi kami matamaan..hhe..
ginagawa niya din lahat para samin.. kakainin na niya binibigay pa niya samin..
sinusuportahan niya kami sa lahat ng aming gagawin basta alam niyang tama at nakakabuti samin
kaya nakakapag open up kami sa kanya sa lahat ng bagay...siya nga yong may gusto na kunin ko ang kursong ito... kaya gagalingan ko para sa pamilya ko lalo na kay papa :]]
siguro pag andito siya ngayon.. sasabihin niyang.. "gang, gabi na..tulog kana.."
kaya lang wala na siya kaya wala ng mag sasabi sakin ng ganun...
kung si mama naman?? panu niya ko pagsasbihan ehh ang layo niya...
nakakamiss..
naisip ko lang din.. ang hirap pag walang parents na nag-aalaga sayo...
lam ko masaya papa ko ngayon kung asan man siya...
love you ma and pa... T.T
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento