paC-U-T-E!!

paC-U-T-E!!

Miyerkules, Abril 11, 2012

What if?

Habang nagfefacebook ako kanina.. nakita ko mga pictures ng mga kabatch ko sa high school..
Ang saya nila.. Yong feeling na they smile as if they were there last..
Ganyan ata talaga pag graduate  ka na..
Parang feeling mo ito na yong simula ng katuparan ng mga pangarap mo..
Parang lahat ng pagod mo, mga challenges na napagdaanan mo worth-it lahat...


La lang, nagmumuni muni lang..tss kasi siguro pag di ako nag stop ng two years graduate na din ata ako..
Sayang no? yong TIME hindi na maibabalik.. tanda ko na nga ngayon eh..
20 yrs old but still incoming third year pa lang.. hhe..
La lang, la naman akong sinisisi.. Happy naman din ako kahit papano kasi atleast nakapag-aral...
It's better to be late than never.. di ba nga sabi nila? :))
Hindi ko naman din masisisi parents ko kung bakit may financial problem kami...
lahat naman ehh... May nabasa nga ako eh...
Sabi don.. "Blame your destiny."
Tama bang sisihin ko yong kapalaran ko??
Hindi naman siguro... coz i know everything happens for a reason.. at si God lang nakakaalam ng reason na yon...


Naisip ko lang din, what if hindi nga ko nag stop... would i also know the loud, fierce, smart, amazing friends that i have right now who leaves a big mark in my heart??hhe charot.. drama much..


Basta okey na tong ganito...  Minsan lang din magkakaroon ng ganitong opportunity.. pag bubutihan ko na lang... Sabi nga ng ngetx ko.. "Age is just a number." hhe tama nga naman... atleast baby look pa din noh?hehe


Thankful nga din ako sa ate ko ehh kasi kung wala siya, hindi kami nakapag-aral ngayon...
I was so blessed. Kaya nga sabi ko dapat one time lang akong magtake ng BOARD EXAM para maging proud din sila sakin...hehe I will not make any promises but i'll try my best para sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sakin..
Kaya nga ata pinangalanan akong "Gabriela" eh.. iyakin man ako pero matapang at matatag naman ako sa lahat ng mga pagsubok na aking pinagdaanan at pagdadaanan pa..hehe
"Im a student nurse today who will be a REGISTERED NURSE in the future." tooot :))


Dito na lang muna..haha medyo napahaba pag eemote ko.haha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento