May isa akong friend na katext ko kagabi..
Namomroblema siya kasi wala daw siya pang enroll kaya kinocomfort ko siya...
Sabi ko nga challenge lang yan ni God sa kanila..
Sabi niya ang hirap naman daw ng challenge na yon..
Kaya sabi ko sa kanya binigay yan ni God kasi alam Niyang kaya nila...
Sinusubukan lang ni God kung hanggang san yong FAITH nila.. kung susuko ba sila agad-agad..
Kaya sabi ko nga mag pray lang siya... Lam ko naman na hindi siya pababayaan ni God.
Bakit kaya minsan pag may napagdadaanan tayong trials eh agad nating kini'question si GOD?
Eh alam naman natin na GOD sacrificed His only begotten Son just to save us.?
Mas malaking sakripisyo ang ginawa ni God sa'tin..
Bat tayo konting problema lang eh sumusuko na kaagad?
Nagrereklamo na kaagad kay God na ang hirap ng problem na binigay niya?...
Hindi naman kasi madaling iwasan ang mga problema kasi parte na yan ng buhay.
Kung alam niyo lang, kung gano kahirap ang buhay namin.
Dumating na nga sa point na nilalait kami ng ibang tao..
Wan ko ba bat ganun yong mga tao sa'min...
Pag sineswerte kami imbis na ichecheer up nila kami ehh mas lalo kaming dinadown..
Hindi naman namin sila masisisi..
May mga ganung tao talaga.. na walang ibang ginagawa kundi ang pag chismisan kayo...
Okey lang yon, kasi dahil sa kanila naging ganito kami ngayon...
Tapos namatay yong papa ko. Masakit syempre..
Pero hindi ko naman sinisisi si GOD kasi alam ko part yon ng plano Niya..
May isang tao din na sobrang nirerespeto ko...kaya lang ang gara, medyo naooffend aq sa kanya..ito yung conversation namin...
S: anong yr ka na?
A: mag thi'third yr na po..
S: ireg o hindi?
A: Hindi po...
-ewan ko ba pero parang may pinapahiwatig siya. Parang nagdududa siya sa kakayahan ko? Parang ganun... that conversation keeps bothering me hanggang ngayon..
Kaya nga napaGM (group message) ako kanina ehh..
"Ang buhay ay parang isang sayaw, kung wala kang tiwala sa sarili mo
magkakamali ka talaga..
Kung nagkamali ka man at nadapa, matuto kang tumayo..
Hayaan mo ang mga taong humusga sayo.. Pakialam nila ehh sayaw mo yan ehh..
Gawin mo na lang yang inspirasyon. Pakita mong magaling ka..
Never let others destroy you , let them make you stronger."
-Yan, ganyan na lang yung gagawin... Papapakita ko sa kanya at sa mga taong walang tiwala sa'kin na kaya ko. :))


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento