Sadya ngang walang lihim na naitatago habambuhay! naisip ko lang.. habang binabasa ng mga kaibigan ko ang aking blog tungkol sa aking pinakatagong sikreto...Nakita nila ehh.. Naiinis ako sa sarili ko, nahihiya sa mga taong nakaalam nito...
LIHIM..ayos to ah.. Bat nga ba tayo naglilihim? Diba ito din ay katumbas ng pagsisinungaling o pagbabalatkayo? kasi hindi ka naging totoo sa iyong sarili at sa ibang tao?..
Pagsisinungaling na isang kasalanan na ang katumbas ay kamatayan..
Tanong ko, marami kayang nakaalam niyan?
Minsan mas gustuhin pa nating magpanggap....
Magpanggap na masaya, magpanggap na okey lang lahat..
Magpanggap na walang problema.. Magpanggap na kaya mo..
Ganon naman kasi dapat diba?..
Kahit ito ay pinakamahirap at pinakamasakit na gawin ng isang tao..
Naglilihim tayo at pilit na binabaon sa pagkalalim lalim na hukay na lang ang lahat para matakpan ang pait na ating dinanas..
PAIT na nagdulot ng kalungkutan at kabiguan sa ating pinakaiingatang damdamin..
Ikinubli, itinago para sa ikabubuti ng marami at hindi na maging komplikado pa ang lahat..
Maaaring dahil walang rason upang ipaalam mo pa at alam mong walang patutunguhan kahit sabihin mo sa kanya..
Sabi nga.. "Bakit ka ba naman kasi maglilihim kung pwede mo namang sabihin,
hindi yung kung kelan huli na ang lahat tsaka mo aaminin"
Hindi naman ganun kadali yon kaibigan ko.
Minsan kasi pag pinaalam pa natin, maaaring magdulot ng pagkapahiya na magpapababa sa dignidad natin at ng ibang tao..
May mga pangyayari kasi na hindi na kailangan pang ipaliwanag.. minsan ang katahimikan ay sapat ng kasagutan at kahit nga minsan gustong gusto na nating ipagsigawan..
Paglilihim? nasa sayo nayan.. Basta kung saan ka masaya... sige go! gawin mo..
Yan, yan yung nasa isip ko...di ko alam... malungkot ako nung sinusulat ko to...
Ngayon alam na nila ang dati kung sikreto na ngayon ay hindi na...
Pano pa kaya ko sasaya? Pano pa ko kikilos na may maraming matang nakatingin na...
Baka lahat ng aking gagawin ay bibigyan nila ng kahulugan...
Hindi ko na ata kakayanin pag ganun..
mas mabuti pang umiwas na lang para wala ng sabihin...
Wala na..
"ano pa kaya silbi ng mga lirikong aking kinakanta... ang pag tipa ng gitara...
Kung wala ng dahilan pa para ako ay sumaya" tss drama...
Nakakahiya kasi..hay!
Ngayon alam na nila ang dati kung sikreto na ngayon ay hindi na...
Pano pa kaya ko sasaya? Pano pa ko kikilos na may maraming matang nakatingin na...
Baka lahat ng aking gagawin ay bibigyan nila ng kahulugan...
Hindi ko na ata kakayanin pag ganun..
mas mabuti pang umiwas na lang para wala ng sabihin...
Wala na..
"ano pa kaya silbi ng mga lirikong aking kinakanta... ang pag tipa ng gitara...
Kung wala ng dahilan pa para ako ay sumaya" tss drama...
Nakakahiya kasi..hay!


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento